Day Seven - A Letter to Your Ex. *Part 1*
Be (Jason),
.
Hindi ko akalaing susulatan kita. Hahahaha. Anak ng tokwang 30 Day Challenge ‘to. =)) Ni hindi ko nga alam kung macoconsider ba kitang “ex” eh. Kasi naman, you know. Haha. Ano ba yan. Kadiri, akalain mo may tawagan pa pala tayo nu? Naalala ko lang. Tas, syempre, wala na lang din naman eh. Share ko na sa iba. Hahaha. :))
Ayun, sa pagkakaalala ko eh ang anniversary date natin ay December 14, ‘di ba? Birthday ni Angela Embuscado. Hahaha. Ano kayang nakain ko nung araw na yun, ba’t sinagot kita? Hahaha. Joke laaaangg. :))
Hindi ko na maalala kung kailan natapos ang lahat. Sa dami ba namang date na naghiwalay tayo eh. Hahaha. Grabe, puro kalokohan na itong nilagay ko dito. :))
Ano… sige. Seryoso na. Hmmm.. Nasabi ko naman na nung Grad Ball mga gusto kong sabihin eh. Uulitin ko na lang. Hahaha. Sana ngayong college eh umayos ka na. You know, mag-seryoso ka na sa mga bagay-bagay.
Alam mo, idol kita. Ikaw lang ang player na aminadong hindi sya nagseseryoso. Grabe. Imba. Hahaha. Hindi ko talaga malilimutan yung overnight na yun kina Angela. Lahat ng sinabi mo dun na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maconnect. :))
.

.
Tas, ano.. Ano pa nga bang masasabi ko? Hmm.. Maraming salamat sa mga alaala? Hahaha. Oo nga, salamat pala. Hindi pala ako nakapag-thank you pa sa iyo ever after nating mag-break. Ayun, thank you na rin kahit papa’no. :D
Tas, good luck sa college life. Naks, La Salle. :-bd Daming chicks dun. ‘De jooooke. Hahaha. Mag-aral kang mabuti. Sayang, hindi ka pa nag-UPD. “The” BAA kaya ipinasa mo dun. Hahaha. Wala lang, sayang kasi. BAA yun ehh. Anyway, hindi ko na alam kung ano na’ng pangarap mo sa buhay ngayon eh. Medyo hindi na ako updated. Haha. Ang huling alam ko eh maging lawyer kagaya ni Tito Glenn, papa mo. Ayun. Sana matupad mo mga pangarap mo. (Actually, hindi ko talaga mapagsama talaga ang “Jason” at “abogado” eh. Anyway, gusto mo yun eh. Hahaha.) Sana eh magkita pa tayo kahit college na. :) Sama mo si JB saka Tita Gina. Haha. :>
Ayan. Last na. Yung tanong mo nung Grad Ball kung malilimutan ba kita something… Wala lang. Pasensya, ang bitter ng sagot ko. Hahaha. Joke lang naman iyon. Ano nga bang matinong sagot? Hmm.. Syempre, hindi. First boyfriend kita eh. Kahit hindi naman naging ganoon kaganda ang mga nangyari eh marami pa rin naman akong natutunan dahil sa iyo. Naks. Haha. XD
Ayuuuun. Mag-iingat ka palagi. God bless. :)
.
♥,
EDREstrada
Day Five - A Letter to Your Dreams.
Dreams? Hello Naya Rivera, Dianna Agron, Zooey Deschanel, Emma Stone, Nina Dobrev, Mila Kunis, Alex Pettyfer, Chace Crawford, Ashton Kutcher and Johnny Depp!
.
Hahahaha. Sila mga pangarap ko eh. Ba’t ba? =))))
Sige na nga. Seryoso na. Hmm… Ang dami-dami ko kasing gusto sa buhay. Hahaha. Iisa-isahin ko na lang. :)
Una, alam nyo ba pangarap kong maging Sundalo. Oo na, hindi bagay sa ‘kin. Gusto ko eh. Ba’t ba? Hahahahaha. Air force, trip ko. Ayun.
Pangalawa, pangarap ko ring maging Chemical Engineer. Kaya nga sobrang saya ko nung nakapasa akong UPD. Hahaha. Grabe, sigaw ako ng sigaw nun. Naalala ko pa, ayokong tingnan sa mga dala nilang laptops yung results dahil gusto ko pag-uwi ko na makita. Tas, nung papunta nang KFC ang Einstein, nasa may tapat na kami ng Main building, lumapit si Ferdinand dala-dala yung iPod touch ni Crescini tas nakita ko pangalan ko dun. Grabe. Nagsisisigaw ako eh. Wala lang, share. Isa yun sa happiest moments sa buhay ko. :))
Pangatlo, pangarap kong makapuntang Paris. Ang cliche pero gusto kong makita ang Eiffel Tower. Hindi ko alam kung anong meron dun sa tower na yun at gustung-gusto ko syang makita. Marami namang ibang towers dyan, pero wala lang sila sa akin. Haha. :))
Ayan, marami pa akong ibang pangarap. Medyo nitatamad lang akong magtype na. Haha. Ayan, ano bang sasabihin ko sa inyo? Hmm..
Pagiging sundalo, sana maabot kita. Wala lang. Pakiramdam ko kasi Physical Exam pa lang ng PMA, hindi na ako papasa. Iiyak naman ako nun. Pero, ewan. Ngayong college eh pipilitin kong maging malusog na. Haha. Kakain na ako nang tama. Tsaka, mag-eexercise na ako. *weh?!* =))))
Next, Chemical Engineer. Ang masasabi ko lamang ay sana makagraduate ako ng straight five years sa UP. Grabe. Imposible man, susubukan ko pa rin. :D
Pagbisita sa Paris, saka na kita susubukang tuparin kapag nagkatrabaho na ako. :)
Ayun. Sana matupad kayong lahat. Yun lang. :)
.
♥,
EDREstrada
Day Four - A Letter to Your Siblings.
Joanne May!
.
Hello. Haha. Alam ko madalas tayong hindi magkasundo. Kasi naman, ang daming mga bagay talaga na magkaiba ang paniniwala natin. Kahit ganoon, hindi ko pa rin naman nalilimutan na close na close tayo nung mga bata pa tayo. Halos magkasunod lang kasi ang edad natin eh, tas lagi tayong magkasama nun.
Sana lang eh hindi mo malimutan yung mga pinagsamahan natin. Nako, baka maiyak ka na sa letter na ‘to. Haha. May Tumblr acount ka pa naman at malamang mabasa mo ito. Haha.
Good luck sa college life at love life. Gulo mo rin kasi minsan. Haha. Ayun. Wala lang. I love you. :)
.
♥,
Ate Vangie
.
Jayjay!
.
Kumusta ka na? Miss na miss ka na namin. Sabay tayong graduates sana ngayong taon ano? Ikaw elementary, ako high school. Haayy. Buhay..
Ayun. Sorry kung palagi kitang pinagagalitan noon. Kasi naman, ang likot likot mo. Sobraaaa.
Tas, salamat din. Taga-salo ka kasi ng utos. Hahaha. Ewan ko ba. Ba’t ang sipag sipag mo? Lahat ng inuutos sa amin noon eh ikaw gumagawa. Tas, tuwang-tuwa ka pa. Hahahaha.
Ayuun. Ano pa bang sasabihin ko? Hmmm..
Wala lang. Alam mo, hanggang ngayon naguiguilty pa rin ako sa pagkamatay mo. Alam ko namang hindi ako yung lamok na kumagat sa iyo at nagbigay sa iyo ng Dengue pero ano kasi.. Alam ko namang kung hindi ko ipinilit na magpunta doon sa birthday party eh naagapan sana yung nangyari sa iyo. Nadala ka sana agad sa hospital.
Haayyyy. Naiiyak na ako kaya tatapusin ko na itong letter na ito. Alam kong masaya ka na sa itaas. Mahal na mahal ka namin. Bantayan mo kami palagi ha?
.
♥,
Ate Vangie
.
Kookay!
.
Hello. Haha. Magkamukha tayo, tanggapin mo na. Hahaha. Joke. =))
Ayuuuun. Mabait ka naman eh. Mauutusan. Magkasundo tayo sa maraming bagay. Tas, ano.. Magkamukha talaga tayo. Hahaha.
Alam mo ba, ikaw pinakamaganda sa ating tatlo. Wag ka masyadong magpapataba ha. Sayang naman. :))
Tas, ano.. Sana matupad mo ang iyong dream na maging Lady Archer. Good luck. Wag ka munang magboboyfriend agad ha? Promise, walang idudulot na maganda. Masasaktan ka lang. Ang emo. Haha.
Ayun. I love you. :D
.
♥,
Ate Vangie
.

from left to right: Joanne, Ako, Jayjay, Tita Lalaine. :)
.

from left to right: Ako, Joanne, Jayjay, Tita Lalaine. :)
.

Joanne, Ako, Kookay. :)
Day Three - A Letter to Your Parents.
Ma! Pa!
.
Hello. Haha. :))
Thank you sa lahat lahat. Salamat kasi ginagawa ninyo ang lahat para maibigay ang mga pangangailangan ko kahit masama akong anak. Haha. Alam nyo ‘yan. Alam ko rin namang tamad ako, hindi mautusan, hindi gumagamit ng “po” at “opo”, maarte sa pagkain, sakim sa TV, gala, laging wala sa bahay, laging late umuuwi, etc. Sorry para doon. :D :D :D
Uyyy, pero aminin nyo, ako ang pinakamatapat ninyong anak. Oha. Hahaha. Hindi ako nagsisinungaling sa inyo tungkol sa kahit ano kahit tungkol sa boyfriend at ano pa mang kalandian. Haha.
Ayun. Wala na ‘kong masabi. Haha.
Basta, promise. Mag-aaral akong mabuti ngayong college para sa inyo. :D
I love you. >☺<
.
♥,
EDREstrada
Day Two - A Letter to Your Crush.
Hello Kuya Raffy!
.
Wala lang. Malakas ang loob ko na ilagay pangalan mo kasi pakiramdam ko naman imposible pong mabasa mo ito. Juskopo, wag naman sana. Kung meron mang makakabasa nito na kakilala si Kuya. Please. Wag mo sabihing may ganito akong pasulat-sulat pang nalalaman. Parang awa mo na. Hahaha. =)))
Ayun. Hindi ko po alam kung naaalala nyo pa po ako. Hmm.. Sa pagkakaalala ko po, nagkakilala tayo nung third year po ako. Ako po yung babaeng umiiyak sa likod ng Maceda Bldg. Tas, yun ni-comfort nyo po ako nang makita nyong naiyak ako. Nagbigay pa kayo ng advice. Tas, ako rin po yung Turnover partner nyo.
.

.
Ay, grabe. Wala akong masabi na. Haha. Ano ba? Hmmm.. Ano po kasi. Wala lang. Sa totoo lang, napakarami ko pong crushes, pati nga po sa babae nagkakacrush ako eh. Hahaha. Pero, isa po kayo sa dalawa na talagang nagtagal yung paghanga ko. I mean, yung tipong hindi lang after a day eh nawala na yung paghanga ko sa inyo. Ang landi na nitong letter. Haha. Pasensya po.
Ayun. Salamat po dun sa advice. Lagi kong tatandaan yung mga sinabi nyo nun. Good luck po sa studies at career. Mag-iingat po kayo palagi. God bless. :)
.
♥,
EDREstrada
Day One - A Letter to your Bestfriend.
.
Hello. Haha. Wala akong masabi. Wala talaga kasi akong hilig sa pagsusulat chuva. Kaya hindi ako nag-journ eh. Hahaha. Ang hirap kasing i-convey ng nararamdaman ko through words. Kilala mo naman ako eh, mahilig akong magpakita ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng actions, kiss at hug madalas. Haha. Ayuuuuun. Eto na, sisimulan ko na…
Thank you, sa lahat lahat. Salamat kasi andyan ka palagi. Yung tipong bigla akong kikiligin dahil sa isang napakababaw na dahilan tas ipPM kita, tas sasagot ka agad. Hahaha. O kaya naman, malulungkot ako dahil sa mababaw pa ring kadahilanan tas andyan ka para makinig sa mga saloobin at kadramahan ko. Tas, ewan ko ba, lahat ng sabihin mo nakakaaliw. Hahaha. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi, masaya kang kasama. Lagi akong natawa or ngumingiti talaga kapag kasama/kausap kita (ang lesbian-ish ng dating. XD). Haha. Ayun. Salamat sa lahat ng ala-ala. :)
Tas, sorry sa mga nagawa kong kamalian. Sorry sa mga pagkukulang. Sorry kung may mga nagawa man akong ikinabadtrip mo or something. Sorry rin kung madalas akong nagiging kasabwat ni DJ sa mga plano nyang chuva for you. :)
Ayun. Ayoko magdrama masyado kasi naniniwala akong magkikita pa tayo sa Diliman. :-bd
Good luck sa studies, career at DJ este love life. Hahaha. :))
.

.
I love you, Sugarpop. :*
Makiki - “30 Day Challenge” na rin ako. Haha.
Yung 30 letters daw sa mga tao. :)