Evangeline.

A young lady who loves anything that's pink, hates strawberry-flavored food & strawberries (strawberry jam is one big exception), loves the rain, has a lot of girl crushes, loves Oreo & bacon & pancakes, loves Estrel's Caramel Cakes, is obsessed with red velvet cupcakes/cakes/pancakes/ice cream, will forever be a sucker for nachos & tacos & burritos, hates banana catsup & mayonnaise, loves to sing, dreams of travelling around the world, loves to ride on roller coasters, afraid of slides, and adores fashion forward boys.

DLSU-CET. :)

Umaga, paggising ko eh katabi ko Physics notebook ko at medyo lukot-lukot siya. Hahaha. Tapos nag-breakfast ako ng dalawang pan de sal na may palaman na cheese. Yum! :D

Tas yun, hinatid ako ni Mama. Medyo nakaka-intimidate mga kasabay namin kasi halos lahat sila may kotse. Haha. Pagpasok ko, nakita ko si Jason Runes sa umpisa ng pila. Nasa isip-isip ko, "ikaw na naman?" Feeling ko naisip niya rin yun kaya ngumiti siya. Nung ACET kasi eh kasama rin namin siya sa pila. Kami nila Camille Villena, Manay, Missia at Kuya Gian. :) Anyway, sumakay kami ng elevator at yun, nalaman kong pareho kami ng floor. Parang nung ACET talaga. Haha. At nagpunta na kami sa aming kanya-kanyang kwarto. Pareho kaming nasa 8th floor. Room 810 siya, 808 ako. :)

Test. Test. Test. Test. *ang sagwa ‘pag sinabi nang mabilis =))*

Nung break eh, nakita ko sila Jason at Kuya Gian na kumakain. Ang galing, parang nung ACET talaga. Haha. Paulit-ulit pero yeah. Natuwa talaga ako. Nung ACET kasi eh, magkakasama kami sa pila tas pare-pareho kami ng floor. At halos magkakatabi yung mga room namin. Wala lang, share. :))

Test ulit. Test ulit. Test ulit. Test ulit. *ayan, para di na masagwa*

Para sa akin.. Keri lang yung test. Ewan ko ba. Pero,over-all ayos lang siya. Mahirap lang siguro yung Math part kasi nakalimutan ko na yung mga Trigo thingy. Yung science, madali lang, promise. :D Yung english, keri lang din. Hindi naman ganun kahirap yung mga salita. Yung abstract reasoning, ayos lang yung mga figures. Hindi masyadong nakakalito. At yung last part, medyo mahirap pero matagal naman yung time allotment kaya ayos lang. :))

So, yun. Sana makapasa ako. Pray for me. Thanks in advance for your prayers. :D

  1. itsedrestrada posted this